Tuesday, February 11, 2020

Ano ba yung tinatawag na SINKING BUDGET?


Ano ba yung tinatawag na SINKING BUDGET?

Eto yung BUDGET mo na specific lang sa isang bagay o scenario.
Ideal ito sa mga taong di naman ganun kalaki ang kanilang savings o yung mga tao
na ayaw galawin ang kanilang LIFE SAVINGS.

Ang idea ay makapagtabi ng pera at gamitin ito nang di kailangan galawin ang LIFE SAVINGS mo.
Pwede ka gumawa ng kahit ilang SINKING BUDGET basta ang importante
hindi lang ito ang pinaglalaanan mo ng pera.

"Ito ang BACK-UP nang PLAN B mo"

Kung nalilito ka parin meron akong example ng scenario
sa video, pwede mo yun panuodin.
OR
Mag-iwan ka ng comment dito sa BLOG ko
or sa aking YouTube Channel.

Thursday, February 6, 2020

SYSTEMA sa pag BUDGET, meron ka ba?


Unang tagalog na blog ko ito.

Meron lang akong mga experimental videos sa buong 2020.
Gusto ko lang i-explore yung "Life Coaching" videos sa YouTube.
Actually, mahilig ako maki-alam sa budget planning ng mga kaibigan ko,
lalo na pag nakikita ko na sobrang wala silang disiplina sa pag-gastos.
Gustong-gusto ko gumawa ng budget or nang systema kung papano makapagsave
o gumastos ng naayon sa meron ka.

Pero ano ba yung pinaglalaban ko?
Ano bang napatunayan ko sa pag-iipon at pagbubudget?

This year, ay masasabi ko ng DEBT FREE na ako.
Tapos na namin bayaran ang kotse namin.
May bahay na rin kami, 6 years ago noong napatayo namin to.
Nakapag-patapos din ako ng kapatid sa College.
Kaya masasabi ko na nalampasan ko na yung mga matitinding gastos sa buhay ko
kaya medyo may karapatan na ako magbigay ng advice about money.
Di naman ako mayaman pero meron na ako ng lahat ng mga bagay
na ang ibang ka-edad ko ay pinag-iipunan palang o binabayaran palang.

Pangarap ko talaga makapag-retire ng 35 years old. Oo, 35 years old.
Ngayon 33 na ako pero masasabi ko na noong 32 palang ako
eh semi-retired na ang feeling ko. Pano ko nasabi? (Next Blog nalang)
Madami pa akong kailangan pag-ipunan, Kaya gusto ko lang i-share
ang journey ko sa pag-iipon.

2020 na nga ba ang year na mamonetize ang YouTube Channel ko?
Abangan!